Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig

MGA TEORYANG MAKA AGHAM

Teoryang nebular

  • Pinanukala nina: Immanuel Kant at Pierre laplace
  • Nagmula sa mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na nagmula sa isang mainit na bituin.
  • Nagkaroon ng interaksyon ang mga ion sa mga malayang electron sa ulap at naging dahilan ng pagsabog nito ng liwanag sa lahat ng direksyon.
  • Mabilis na nagpaikut-ikot sa sansinukob ang nebula sa loob ng ilang milyong taon.
  • Pagdaan ng panahon, unti-unti itong bumagal sa pag-ikot.
  • Naging dahilan ito ng paglamig at pagtigas ng nasabing masa hanggang sa unti-unting natuklap ang mga ibabaw nito.
  • Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag ikot dahil sa lakas ng puwersang centrifugal.

Teoryang dust-cloud

  • Nagmula sa alikabok ng mga meteorite.
  • Lumamig at tumigas ang masa ng matuklap ang mga balat ng nabuong alikabok sa pamamagitan ng kondensasyon.
  • Nagkaroon ng malakas na hangin at ulan sa kalawakan na nagdulot ng pagkapuno ng malaking bahagi ng mga tubig na tinawag na dagat at ilog.
  • Dahil sa matagal na pagkakababad ng ibabaw sa tubig, lumambot ito at naging lupa nagkaroon ng mataas na tumpok at malalim na hukay,
  • Ang mataas na tumpok ay tinawag na bundok at burol at ang hukay ay tinawag na dagat at ilog. Dahil sa pagkalusaw ng yelo, nagkahiwalay ang mga kontinente.

Teoryang dynamic encounter

  • Ipinanukala ni georges louis leclerc buffon
  • Nagmula ang sistemang solar sa banggaan ng isang malaking kometa at araw.
  • Nabuo ang mga sangkap na nawala sa araw at naging planeta.
  • Katulad din ng teoryang nebular at dust-cloud ang patutunguan ng teoryang ito.

Teoryang kondensasyon

  • Ipinanukala ni Robert jastrow
  • Nag simula ang daigdig sa mga masa ng hydrogen gas atomic dust.
  • Sa tagal nito sa kalawakan bigla itong sumabog,nag kapira-piraso at napasama sa mga bagong namumuong araw at bituin ang mga tipak nito.
  • Nangyayari ang prosesong ito ng paulit-ulit at maaaring ito na rin ang naging planet.

Teoryang solar disruption

  • Nag simula ito ng bumangga ang malaking bituwin sa araw, nagtalsikan ang tipak na nagmula sa bangganan ng dalawang bituin.
  • Dahil sa pag ikot sa araw sa pamamagitan ng pwersang centrifugal.
  • Dahil sa mabilis na pag-ikot nito sa araw, naging dahilan ito ng pag-init ng mga tipak, dumaan ito sa prosesong kondensasyon at solar disruption.

Teoryang planetissimal

  • Nagsama-sama ang mga kumpul-kumpol na planetoids at nagging planeta.
  • Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga ito,natuklap ang ibabaw na bahagi ng mga ito. at nagpaikot-ikot
  • Dahil sa puwersang centrifugal at dumaan sa prosesong pinag daanan ng mga planeta na ayon sa ibang teorya.

Teoryang collision

  • Pag babanggaan ng dalawang malaking bituin.
  • Nag talsikan ang mga tipak nito at nagging planeta matapos ang ilang taong pag ikot-ikot nito sa sansinukob.

Teoryang big bang o supersonic turbulence

  • Isang malakas na pagsabog ang naganap.
  • Ang mga nag talsikang tipak ay patuloy na nabubuo dahil sa hydrogen,na nagiging planeta.

ANG TEORYANG PANGRELIHIYON

  • Ito ay ipinanukala ng mga creationist, pangkat ng mga kristiyanong siyentista
  • Pinaniniwalaan ng mga creationist na nakasaad sa aklat ng genesis ang espesyal na paglalag ng Diyos.
  • Ito ay ang pitong araw na paggawa ng Diyos sa sansinukob.
About these ads

6 Responses to “Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig”

  1. Nor-hidaya M. Mangontawar Says:

    Ang Big Bang Theory po ang pinakamas kapanipaniwala ayon sa mga ebolusyonista. At sinundan ito ng Steady State Theory. Sana po maipaliwanag ninyo ng mabuti kung bakit ito kapanipaniwala at ano ho ba ang Steady State Theory?

    • Big Bang Theory
      Batay rito, ang kalawakan ay umusbong diumano mula sa isang napakasiksik (dense) at napakainit na kalagayan halos 14 na bilyong taon na ang nakalilipas. Lahat ng galaxy ay magkakapatong at sama-sama sa iisang pagkakataon at punto ng panahon. Sumabog ito halos 20 bilyong taon na ang nakalilipas na nagbigay-daan upang ito ay kumalat nang magkakalayo at mabilisan. Ang kasalukuyang lokasyon at tulin o velocity ng mga galaxy ay bunga ng pagsabog nito. Ang teoryang ito ay halaw sa iba’t ibang pag-aaral ng mga siyentista, kabilang sina Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz.
      Noong 1992, ipinahayag ni George F. Smoot ang resulta ng kanilang pag-aaral na sumusuporta sa Big Bang Theory. Sa kanilang pagsasaliksik, lumilitaw na napakaliit ng pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng maiinit at malalamig na rehiyon sa unang bahagi ng pagkakabuo ng kalawakan. Patunay ito na ang kalawakan ay nabuo bunga ng pagsabog na inilahad ng Big Bang Theory.

      Steady State Theory
      Ang katagang big bang ay nagmula diumano sa panuyang pagtawag dito ni Fred Hoyle. Kilala si Hoyle sa pagpapanukala ng katunggali ng Big Bang Theory, ang Steady State Theory. Batay rito, panibagong sangkap (matter) ang nabubuo habang patuloy na nagsisilayo ang mga galaxy sa isa’t isa. Ayon sa modelong ito, ang kalagayan ng kalawakan ay magkakahalintulad anumang yugto ng panahon.

  2. ano ang sanhi at bunga ng teoryang nebular?

    • Nebular Hypothesis
      Ayon sa Nebular Hypothesis, ang iba’t ibang bahagi ng solar system ay nabuo mula sa napakalaking ulap na kung tawagin ay solar nebula. Ito ay labi ng isang sumabog na bituin. Patuloy itong umiikot habang lumiliit at nauunat dahil sa puwersa ng gravity.
      Noong halos limang bilyong taon na ang nakalilipas, ang solar nebula ay nagsisimulang lumiit sa impluwensiya ng sarili nitong gravitation. Ang lumiliit na material na ito ay nagsimulang umikot nang napakabilis. Ang pag-ikot nito ay nagdulot ng pagpatag ng ulap na mistulang isang disc. Sa loob ng umiikot na mala-disc na ito, nagkaroon ng maliliit na pagbubuo ng mga nuclei kung saan ang mga planeta ay unti-unting nabuo mula rito. Subalit ang malaking konsentrasyon ng material ay hinahatak patungo sa gitna ng umiikot na mass o kimpal ng material. Habang patuloy na nagsisiksikan sa gitna, ang materyal ay umiinit sa pamamagitan ng gravitation na humantong sa pagbubuo ng isang mainit na protosun o isang araw na patuloy pang nalilikha.
      Dahil pa rin sa patuloy na rotasyon, ang ilang mga alikabok at gas ay nananatiling umiikot sa buong mass. Ang mga planeta ay nagsimulang mag-ipon-ipon at mabuo mula sa mga bagay na ito. Nang lumaon, ang mga natirang material ay naging walong planeta. Samantala, ang ibang material naman ay naikalat sa kalawakan sa pamamagitan ng mga solar wind.

  3. cyzrish Says:

    magkaiba po ba ang teoryang nebular sa nebular hypothesis?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: